Huwebes, Setyembre 29, 2016

Teenage Pregnancy Isyu

      Ang artikulo na ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa "teenage pregnancy" na maaaring makatulong sa mga kabataan na maiwasan ito.                

      Ang pagbubuntis ay ang pagdadala ng isa o higit pang mga supling sa loob ng bahay-bata ng isang babae. Kadalasan sa mga nabubuntis na babae ay may asawa na ngunit sa panahon ngayon, pati mga babaeng wala pa sa tamang edad ay nabubuntis na rin, ang tawag dito ay teenage pregnancy o maagang pagbubuntis.


      Ang adolescent stage ay ang stage kung saan ang isang bata nagiging mas mature. ang teenage pregnancy ay kadalasan nangyayari sa stage na ito dahil ito ang stage kung saan ang isang bata ay nagiging mmausisa sa mga bagay-bagay gaya ng pakikipagtalik.



      Ang maagang pagbubuntis ay isang isyu sa buong mundo ngayon dahil maaari itong magbunga ng malaking problema. Ang teenage pregnancy ay isang malaking health risk. Ayon sa Philippine Statistical Authority (PSA) noong 2014, kada oras ay may 24 na sanggol ang sinisilang ng mga teenage mothers. Ayon naman sa Young Adult Fertility and Sexuality (YAFS), 14% ng mga pilipina na may edad 15 hangang 19 ay buntis o di kaya ay ina na. Nasa baba ang ilan sa mga epekto ng maagang pagbubuntis.


  • Pagkasira ng kinabukasan - Ang maagang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng sapilitang pagtigil sa pag-aaral na maaaring makasira sa kanilang magandang kinabukasan. Mahihirapan din silang buhayin ang bata dahil hindi pa nila alam kung ano ang gagawin.
  • Pangungutya, pinagtatawanan at tsinitsismisan ng ibang tao - Dahil sa maagang pagbubuntis nagiging laman ng tsismis ang bata at kinukutya ito.
  • Pagkasira ng kalusugan - Maaaring maging malungkot, matamlay at walang ganang kumain ang bata dahil sa sitwasyong itinatahak nito. 
  • Aborsiyon - Maaaring ipapaabort nila ang bata dahil akala nila ito ang solusyon sa kanilang mga problema.


may mga pangunahing dahilan kung bakit ito nangyayari gaya ng:


  • hindi maayos na paggabay ng magulang sa kanilang mga anak - Ang isang teenager ay dapat tinutuunan ng pansin dahil madali lang sila mawala sa tamang landas dahil sa impluwensya ng kaibigan o internet.
  • Kakulangan sa kaalaman sa sex education - Ang sex education ay nakakatulong hindi lang sa bata pati na rin sa mga matatanda.

      Merong mga paraan upang maiwasan ang teenage pregnancy. Ilan sa mga ito ay nasa ibaba.


  • Ang paggamit ng contraseptives - Ang paggamit ng condom at birth control pills ay isa sa mga paraan para matigilan ito.
  • sex education - nakakatulong ito dahil nabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga teenagers sa bagay na ito.
  • pagpapatibay ng relasyon sa magulang - Dapat ang mga magulang ay magbigay ng oras sa kanilang mga anak para mapalapit ito at magabayan ng mabuti.

            Bilang isang teenager dapat nating iwasan ito dahil mahihirapan tayong palakihin ang bata. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento